Showing posts with label Tagalog. Show all posts
Showing posts with label Tagalog. Show all posts

Wednesday, August 10, 2011

200 Random Facts About Me

Hala uyy, daghana pud ba anang 200. HAHAHAHA!

1. Mahilig akong umamoy ng papel na bagong labas sa photocopier machine.
2. Nasusuka ako pag umiinom ng Red Horse.
3. Mahilig ako sa online games na walang timer, katulong- katulong, luto-lutuan, bihis-bihisan at mga larong hindi nangangailangan ng effort.
4. Hindi ako komportable sa magulong kwarto.
5. Ang pangit ko magsulat ng numerong 5.
6. Hindi ako tumataba.
7. Trying hard ako sa lahat ng bagay.
8. Mahilig ako mangolekta ng ballpen.
9. Mahilig din ako sa sapatos at bag.
10. Madali akong ma-LSS. Feeling ko lahat ng kanta kaya kong kantahin.
11. Noong estudyante pa ako, hindi ako naliligo pag may diagnostic exams. Yun ung lucky ritual ko e. LOL.
12. Inuulit ko, trying hard ako lalo na sa pagiging O.C.
13. Hindi ko naman talaga paborito ang pink, sadyang nakaka-agaw lang ng pansin ko ang kulay na ito.
14. Kaya kong mabuhay ng isang araw nang hindi ako naliligo.
15. Hindi ako tamad maglakad.
16. Takot ako sa tatay ko.
17. Moody ako. Feel ko lang lahat ng bagay.
18. Pangarap ko talagang maging isang tanyag na manunulat.
19. Habit ko na ang pagkanta na mali ang lyrics. Karamihan kasi sa kanta ay hindi ko kabisado.
20. May mga araw na gandang-ganda ako sa sarili ko.
21. Pinapangarap ko ding maging mayaman - mayaman na mayaman.
22. Takaw-tingin akong tao.
23. Natutuwa akong makakita ng lalakeng may dalang boquet ng bulaklak.
24. Mahilig ako sa tumbler. Props lang, di naman talaga ako palainom ng tubig.
25. Hindi ako kumakain ng 17days old and above na balot. 16days old lang ang kaya ng sikmura ko.

To be continued.. :))