Nakakapagod ang isang toxic na duty. Sa totoo lang, masaya naman talaga maging nurse e. Nakakaproud na inaalagaan mo ung mga taong hindi mo kilala. Ang hindi ko gusto e ung naalagaan mo sila pero sarili mo at sarili mong pamilya e minsan nakakalimutan mo. Ang masaklap pa, hindi alam ng mga taong inaalagaan mo kung ang isinasakripisyo mo mapagsilbihan lang sila. Hindi naman kami superhero para gawin ang mga bagay na ito ng walang kapalit. Higit sa pera, gusto namin ng paggalang at respeto. Gusto namin na kinakausap nio kami sa pinakamahinahong paraang alam niyo at hindi niyo kami sinisigawan. Marahil nasa matinding crisis kayo dahil nga maysakit kayo pero hindi sapat na dahilan un para makalimutan niyong may mga bagay din kaming sinasakripisyo mapagsilbihan lang kayo.
posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment