Badminton. Badminton. Badminton. Badminton. Badminton.
Oo. Hirap din akong paniwalaan na ang lampang katulad ko ay may alam laruing sports. Sa totoo lang, di naman ako magaling dito e at wala rin namang nagsabing magaling ako. Hahaha. May mga bagay lang talaga sa mundo na ipagpipilitan mo sa sarili mo hanggang malaman mo kung paano ito gawin. Itong sports na ito yung isa sa mga NEVER SAY NEVER ng buhay ko.
Noong una, naglalaro lang ako nito dahil feel ko lang. Yun yung mga panahong gusto kong mahalin ang lahat tungkol sa mahal ko (hastang kornyha, myged) kaya ko sinubukan ang larong mahal na mahal nia maliban sa Pangya. Pero di naglaon, wala na kami pero love na love ko pa rin ang sports na ito. Pag nasa court na ako at may hawak ng racket, instant feeling player. Oo. Feeling lang ang lahat dahil inuulit ko hindi ako magaling.
Hindi ko alam kung anong meron sa sports na ito. Basta ang alam ko ang buong puso ko ay nandito. Oo nga pala, pwede din pala itong katibayan na ako'y hindi lampa. Wala nga akong talent, marunong naman akong magbadminton. Pero alam ko hindi iyon sapat, hindi PA ako magaling e.
Ang sarap lang kasi ng feeling na may isa akong alam na sports sa malamyang buhay na ito. Haha. Yung tipong magpapawala ng stress ng weekdays at lalamon ng lahat ng inis at imbyernang idinudulot ng mga di kanais nais na mga tao sa mundo.
Malayo na ang iyong nararating, kung minsan pati court ng iba sinusugod mo na rin.
-shuttlecock.:)
No comments:
Post a Comment